Tuesday, October 16, 2012

ugly truth


Ang hirap nung yung mundo mo eh playground niya lang. Yung buhay mo, pastime niya lang. Yung ikamamatay mo, parang nawawalang piso niya lang. Yung sobrang pinapahalagahan mo siya eh balewala ka naman. Laman siya ng isip mo, ikaw naiisip lang niya pag may kailangan sayo. Napakahalaga niya sayo, samantalang ikaw ang tingin sayo eh ordinaryo.Guilty ka pag lumalabas na may kasama kahit kaibigan mo lang, pero siya nag-eenjoy sa buhay niya at di ka inaalala. Player siya, ikaw di man lang pumasang cheer leader.ikaw yung laruan na pag naiinip na siya at walang mapagbalingan eh sayo pupunta

Hindi naman 24 hours busy ang isang tao. Kaya di sapat na dahilan ang sabihin na kaya di ka niya mabigyan ng oras eh dahil busy siya. Hindi oras ang kulang kundi effort. Ano ba naman yung isa hanggang limang text para alamin kung buhay ka pa o hindi na di ba? Pero yun nga, walang effort to keep in touch. Di naman hinihiling na ibigay ang lahat ng oras mo eh. Kahit 2 mins.lang sana. Kahit simpleng kumusta ka na? Kaso, wala eh. Wala talaga

0 comments:

Post a Comment