Showing posts with label Horror Stories. Show all posts
Showing posts with label Horror Stories. Show all posts

Thursday, November 1, 2012

Kotse





Hi! ako nga pala si Christine 3rd year student ng UERM, di ko alam kung may 3rd eye ako or what ee, nag start ako makaramdam after ng Ondoy. i thougt it was just dejavu. natatanaw ko yung bestfriend ko na pumupunta sa parking area then para
ng may binubuksan nya ung car don na matagal ng hindi inaalis. magugulat na lang ako bigla syang lalabas sa CR.

"tra na bitch kain na tayo!"

yan ung sinabi nya sakin nung paglabas nya sa CR. haha bitch nga pala tawagan namin :P ayon, hindi ko naman kasi pinapansin ung sasakyan na un kaya nagtataka ako kung bat andon yung bestfriend ko. pag tinatanong ko sya sasabihin lang nya

"*lol f*ck you imahinasyon mo nnman."

after non binaliwala ko na. then 1 day may nagapproach sakin ang sabi

"ate christine ano pong ginagawa nyo kahapon don sa parking area?"

ang sabi ko

"uuwi na malamang don ako nakapark ee."
reply nya
"alam ko po ee bat ibang car ung binubuksan mo?"
sabi ko
"ha? weird mo ha. di ko lam sinasabi mo. baka namalikmata ka lang."

ang awkward ng feeling kasi parang konektado sya. isang incident ung nagpataas ng balahibo ko. march non finals nagpark ako sa tapat nung weird na sasakyan. pag tingin ko sa salamin ng car ko naaninag ko na may kamay don sa manibela nung car. sobrang kinabahan ako kasi since nung ondoy ee hindi na inalis ung sasakyan don. agad agad akong umalis at nagdasal. yun yung dahilan kung bakit muntik na kong bumagsag sa exam dahil sa takot ko. everytime na dumadaan ako don may naaninag ako na may something sa loob. then i started to have nightmares hanggang holyweek.

one day nashock ako sa nabalitaan ko. enrollment noon then napangiti ako nung nakita ko na wala na yung car don sa parking area naintriga ako tinanong ko ung guard. sabi nya

"aa yun ba? na-alis na un after ng holyweek kinlaim ng isang relative nung may-ari"
napataas ung kilay ko at tinanong.

"ha?! bat yung relative pa yung kumuha? at bat di pa nila kinuha dati?"

sabi nung guard

"nung una nagtataka rin ako, pero nung sinabi ng kamag-anak nya na yung asawa daw nya na may ari nung sasakyan ay kasamang namatay sa loob ng SM Center Point nung Ondoy di raw nya inaasahan na makikita nya yung sasakyan ng asawa nya sa UERM."

it was like "OMG!" yung feeling na maihi na ko sa takot nung kinwento sakin nung guard yung nangyari.

ayon sa chismis yung may ari daw ng sasakyan ay nagpapa-aral ng isang estudyante sa UERM.
ayon shinare ko lang yung experience ko HAPPY HALLOWEEN! :) ingat sa baha!

Jeepney



Gabi na non pauwi na ako nasa padin Jeep Marami pang nakasakay. Pero sa dulo bumaba na sila natira na lang ako, malapit na din naman yon babaan ko mga 5mins na lang baba nadin ako.Pero napansin ko parang 30mins na pero paikot ikot lang ang
jeep at iba na ang dinadaanan nya. So nag taka ako kung bakit 30mins na hindi pa ako nakakarating at wala padin yon binabaan ko.Iniisip ko baka may masamang gawin sakin ang jeepney driver baka reypin ako patayin ako o nakawan ako. Ayon nabahala na ako 1hour na nakakalipas pero bumabyahe padin kami.After mga 1 hour and 15mins nakarating nadin ako sa babaan. Biglang nag salita yon jeepney driver.

Manong driver:Ne! Pag pasok mo sa bahay nyo baliktarin mo ang damit mo, sumilip kasi ako sa side mirror ko para tignan kung may pasehero pa. Ne! Wala ka kasing ulo sa salamin ng jeep ko.
me:natakot ako at nagtatakobo! sinunug ko agad ang damit ko.
Hindi ko na alam kung anong nangyari kung bakit nag kaganon.

MUMU sa CR UE CALOOCAN






this is Beth BSIT alumnus ng UE Caloocan, ikwekwento ko yung storya ko na naganap sa Gym sa Caloocan, pangit pa yung gym nung mga araw na iyon mainit parang baranggay court lang. 1st year ako non at syempre required mag PE. so nasa gym kami tuwing martes at miyerkules.
di ako sanay ng hindi nag aayos bago umalis ng gym kaya di ko maiwasan mag CR palagi. one time nahuli akong mag CR kasi kinausap p
a ko ni ma'am nalimutan ko na name ee. ayon syempre ang orasyon CR muna bago gora. ako na lang mag isa non sa pag kakaalam ko. naghilamos at nag paganda lang ako ng kunti sa salamin. medyo nagtataka ako non kasi para delay yung salamin na nagrereflect. tas yung nagpashock sakin is nung may sumitsit sakin sa loob nilingon ko kahit alam kong may salamin naman at makikita ko kung meron man, instinct narin siguro. pag harap kong muli sa salamin nagulat ako may biglang pumasok sa isang cubicle sa sobra kong takot di ko na tinapos yung ginagawa ko at umalis na agad ako. ang lamig ng pawis ko nung mga araw na yon.

another experience ihing ihi na ko non during PE time katok ako ng katok sa CR ng Girls pero walang nag bubukas sa sobrang pagmamadali ko sa CR ng faculty ako pumasok kahit madumi yon go na kasi di na kaya ng pantog ko. so ayon pumasok ako at sinara yung pinto. nakakailang kasi ang liit lang ng CR at ang dumi pa ng lababo. habang umiiwi iba nararamdaman ko. parang may nakatingin sakin. silip ako ng silip sa exost fan na baka may naninilip nga pero wala naman. hanggang s pagkatapos kung umihi may biglang di ko mabuksan yung pinto akala ko pinagtitripan ako ng mga classmate ko napapamura na nga ako non ee. then natakot na ko at nagdasal sabay biglang pwersa sa pinto pagbukas ng pinto halos walang malapit na tao sa CR kaya mangiyakngiyak ako unconsciously nilingon ko yung CR then nakita ko na may biglang nagtago sa loob nito. agad agad akong umalis non.

last at pinakadiko malilimutan... 2nd year na ko non. afternoon class bandang November na maaga ng mag gabi. 6pm pa lang madilim na. di ko alam kung bakit ako napapalingon sa CR ng girls pero parang may humihikayat sakin. sa di inaasahang pang yayari napalingon ako dito at napatitig unti unting may lumalabas na image sa loob ng CR isang babaeng nakaputi na walang mukha at kulay gray yung buhok... sa sobra kong takot di na ko nakasigaw at nahimatay ako. pag gising ko nasa Clinic na bench ako at pinapaypayan na ng mga classmate ko. after that incident nakiusap ako sa prof ko na kung pd sa labas na kami mag PE. di sya pumayag kaya dinrop ko na lang.