Thursday, November 1, 2012

MUMU sa CR UE CALOOCAN






this is Beth BSIT alumnus ng UE Caloocan, ikwekwento ko yung storya ko na naganap sa Gym sa Caloocan, pangit pa yung gym nung mga araw na iyon mainit parang baranggay court lang. 1st year ako non at syempre required mag PE. so nasa gym kami tuwing martes at miyerkules.
di ako sanay ng hindi nag aayos bago umalis ng gym kaya di ko maiwasan mag CR palagi. one time nahuli akong mag CR kasi kinausap p
a ko ni ma'am nalimutan ko na name ee. ayon syempre ang orasyon CR muna bago gora. ako na lang mag isa non sa pag kakaalam ko. naghilamos at nag paganda lang ako ng kunti sa salamin. medyo nagtataka ako non kasi para delay yung salamin na nagrereflect. tas yung nagpashock sakin is nung may sumitsit sakin sa loob nilingon ko kahit alam kong may salamin naman at makikita ko kung meron man, instinct narin siguro. pag harap kong muli sa salamin nagulat ako may biglang pumasok sa isang cubicle sa sobra kong takot di ko na tinapos yung ginagawa ko at umalis na agad ako. ang lamig ng pawis ko nung mga araw na yon.

another experience ihing ihi na ko non during PE time katok ako ng katok sa CR ng Girls pero walang nag bubukas sa sobrang pagmamadali ko sa CR ng faculty ako pumasok kahit madumi yon go na kasi di na kaya ng pantog ko. so ayon pumasok ako at sinara yung pinto. nakakailang kasi ang liit lang ng CR at ang dumi pa ng lababo. habang umiiwi iba nararamdaman ko. parang may nakatingin sakin. silip ako ng silip sa exost fan na baka may naninilip nga pero wala naman. hanggang s pagkatapos kung umihi may biglang di ko mabuksan yung pinto akala ko pinagtitripan ako ng mga classmate ko napapamura na nga ako non ee. then natakot na ko at nagdasal sabay biglang pwersa sa pinto pagbukas ng pinto halos walang malapit na tao sa CR kaya mangiyakngiyak ako unconsciously nilingon ko yung CR then nakita ko na may biglang nagtago sa loob nito. agad agad akong umalis non.

last at pinakadiko malilimutan... 2nd year na ko non. afternoon class bandang November na maaga ng mag gabi. 6pm pa lang madilim na. di ko alam kung bakit ako napapalingon sa CR ng girls pero parang may humihikayat sakin. sa di inaasahang pang yayari napalingon ako dito at napatitig unti unting may lumalabas na image sa loob ng CR isang babaeng nakaputi na walang mukha at kulay gray yung buhok... sa sobra kong takot di na ko nakasigaw at nahimatay ako. pag gising ko nasa Clinic na bench ako at pinapaypayan na ng mga classmate ko. after that incident nakiusap ako sa prof ko na kung pd sa labas na kami mag PE. di sya pumayag kaya dinrop ko na lang.

0 comments:

Post a Comment